Mga OB doctors ng JLGM, di muna pinagtatrabaho ng Sabado at Linggo

Pinagpapahinga ng dalawang araw ng James L. Gordon Memorial Hospital ang mga obstetrician o mga doktor na nakatoka para sa pagpapaanak at pag-aalaga ng kalusugan ng mga buntis.

Ito ang dahilan kung bakit walang OB doctors ang ospital tuwing Sabado at Linggo.

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, dahil dito ay ipinagkakatiwala muna sa mga midwife ang pag-aasikaso sa mga manganganak habang on-call naman ang mga OB doctors sakaling may kailangan ng cesarean procedure.

Ilan lang ito sa mga adjustments na ginagawa ng pagamutan dahil sa kakaunting bilang ng mga healthcare workers kung ikukumpara sa dami ng mga pasyente.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Note to self: This feeling won't won last forever MAXAN Mangostee Xanthone Shop now! Lazada TAKE A DEEP BREATH. UNCLENCH YOUR JAW. RELAX YOUR SHOULDER.'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *