Mga parokya ng Diocese of Daet nakiisa sa buong mundo sa pagdiriwang ng 10th World Meeting of Families

CAMARINES NORTE- Nakiisa ang iba’t- ibang parokya ng Diocese of Daet sa buong mundo sa pagdiriwang ng 10th World Meeting of Families.

Kahapon ay ang pagtatapos ng itinuturing na pinakamalaking pagtitipong pampamilya ng mga katoliko sa buong mundo na nagsimula noong Hunyo 22 kung saan ang pinaka sentro ng pagtitipon ay sa Vatican.

Nagsagawa ng aktibidad ang iba’t- ibang parokya sa lalawigan at ang pinakatampok ay ang pagbibigay ng anniversary certificate sa mga mag asawang ilang taon ng kasal.

Sa Holy Trinity Cathedral naman ay nagkaroon ng espesyal na pagbabasbas sa mga bata na pinangunahan ni Bishop Rex Andrew Alarcon, ang Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Youth.

Sa kaniyang homily sinabi ni Alarcon na patuloy ang panawagan sa bawat pamilya na lumago sa pag ibig sa isa’t- isa at sa Diyos.

Ipinaalala ng Obispo ang kahalagahan ng pagsasama- sama bilang pamilya na tila nawawala na ngayong panahon.

Mainam umano na magkakasama pa rin ang pamilya sa pagsisimba, pagkain dahil kapag hindi na ito nagagawa ay tumatabang ang pagsasama at pag- ibig.

Sabi pa nito na ngayong panahon ay malaking hamon ang pagiging pamilya at pagpapalaki ng anak na kailangan umanong pagtrabahunan.

Inanunsiyo naman noong Sabado ni Cardinal Kevin Farrell, prefect of the Vatican’s Dicastery for Laity, Family, and Life na ang susunod na World Meeting of Families ay gagawin sa 2028

(photos: Parokya ni San Rafael FB/ screenshot from the Most Holy Trinity Cathedral fb)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *