Camarines Norte nakapagtala ng apat na bagong kaso ng COVID- 19 makaraan ang mahigit dalawang buwan

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng apat na bagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte makaraan ang mahigit dalawang buwang walang naitatalang bagong kaso.

Matatandaan na noong Lunes ay inanunsiyo ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Daet na mayroong dalawang bagong kaso na naitala sa naturang bayan.

Isa dito ay ang 30 anyos na babaeng nurse na si Bicol No 59164 na nagsimulang makaranas ng sintomas noong June 15 at ang isa pang 28 anyos na babae na wala pang Bicol Code.

Pero nitong linggo, June 26, kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa  Brigada News FM Daet na hindi lang dalawa kundi apat ang bagong kaso ng COVID- 19  ngayon sa lalawigan.

Hindi pa ito pa ito nagbigay ng karagdagang detalye pero naka quarantine na umano ang mga bagong nagpositibo.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng PHO sa publiko na sundin pa rin ang health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Pinapaalalahanan din ang mga LGU na ihanda ang kanilang mga isolation facility na posibleng kailanganin uli kung tataas pa ang mga kaso.

Hinihimok din ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na kontra COVID- 19 para na rin sa karagdagang proteksyon lalo na at mayroon banta ng iba’t- ibang variant.

Sa ngayon ay nasa 67. 9 percent pa lang ang vaccination coverage sa lalawigan batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Operation Center.

Kailangang mabakunahan ang nasa 512, 997 para maabot ang herd immunity.

Mayroon pang 164, 903 o 32. 15 percent ang hindi pa bakunado habang ang nakakatanggap pa lang booster shot ay nasa 33, 930 o 6. 61 %.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *