Mga residente, hindi dapat mangamba kahit may nalambat na buwaya sa Bancao-Bancao- PCSDS

Wala naman umanong dapat ipangamba ang mga residente kasunod ng ulat na may nahuling buwaya sa Barangay Bancao bancao, Puerto Princesa City nitong nakalipas na Biyernes, May 19.

Ayon kay Palawan Council for Sustainable Development Staff si Jovic Fabello, base sa pag-aaral na isinagawa ng kanilang team ay hindi tugma ang tubig sa lugar para tirahan ng buwaya at wala din umanong malapit na ilog para panggalingan ng naturang buwaya.

Dagdag pa niya, maaring umiiwas din umano ito sa kanyang mga kasamahan dahil breeding season ng mga buwaya ngayong buwan ng Mayo.

Samantala, nananawagan ang PCSDS na sakaling maka-encounter ng ganito o ano pa mang uri ng buhay-ilang ay ipagbigay-alam ito sa tanggapan sa pamamagitan ng mga numero bilang 09319642128 (Smart) at 09656620248 (Globe)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *