Mga senior citizen sa Olongapo na hindi pa makapagdesisyon kung magpapabakuna kontra covid19, di na muna aantayin

Ititigil na muna ang pag-aantay sa mga senior citizen sa Olongapo na hindi pa nakakapagdesisyon kung magpapabakuna kontra corona virus disease.

Ito ang gagawin ng Local Vaccination Operations Center sa lungsod sa susunod na linggo kapag nabakunahan na ang 70% ng total population ng mga senior citizen.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, uumpisahan na ang pagbabakuna sa mga A4 priority group o essential workers at kung meron pang mga nakatatanda at mga persons with comorbidities ang interesado ay babakunahan pa rin.

Ibig sabihin, kahit nagsimula nang bakunahan ang mga kabilang sa A4 category ay mananatiling top priority ang mga comorbid at mga senior citizen.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of one or more people and text that says 'ACNE is one of the world' S most common skin disorder. Vitamin C powerful anti-oxidant is known for fighting free radical damage to skin cells and may help treat acne. ASCORBIC ACID alumAate) GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *