Mga suspek sa basag kotse sa Zambales, arestado sa Olongapo

Huli ng mga pulis sa Olongapo ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng kagamitan sa loob ng mga sasakyan o mas kilala sa tawag na basag kotse.

Ito ay matapos na makipagbarilan sa mga otoridad miyerkules ng hapon sa Brgy.Barretto kasunod ng umanoy pambabasag ng SUV sa Castillejos at Subic, Zambales.

Ayon kay Olongapo Station 6 Commander Pcapt.Tyron Tecson, naireport sa istasyon ang pangyayari kaya inabangan ng mga pulis ang mga suspek na sakay ng isang single motorcycle pero sa halip na huminto ay namaril.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan sa kamay ang driver dahilan para bumaba sa motorsiklo at tumakbo papatakas ang dalawa pero minalas na maaresto.

Base sa inisyal na imbistigasyon, mga residente ng Balanga, Bataan ang dalawa na sangkot din sa iba pang katulad na krimen.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *