Mga vendors, hinikayat na magpabakuna ni Isabela Gov. Albano

Hinikayat ni Governor Rodito Albano III ng Isabela ang mga vendors sa probinsya na magpabakuna bilang isa sila sa maraming nakakasalamuhang tao sa kanilang paghahanap buhay.

Ginawa ng gobernador ang pahayag kasabay ng pamamahagi ng cash at bigas sa nasa 527 beneficiaries ng I-RISE program sa dalawang venue sa bayan ng Benito Soliven.

Binanggit din ng punong panlalawigan ang availabity ng gamot laban sa severe COVID-19 cases.

Sinabi pa nito sa mga benepisaryo na gawing puhunan ang mga natanggap na salapi at tiniyak na tuloy-tuloy ang ayuda na ibibigay ng pamahalaang panlalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *