Misis, nanganak sa mismong araw na nalamang siya ay buntis

Ang pagbubuntis ay isa sa pinaka magandang regalo mula sa Diyos, na maaaring matanggap at mangyari sa buhay ng isang babae at sa buhay ng isang mag-asawa.

Kaya ganoon na lamang ang paghahanda na kailangang gawin ng isang babae kapag nalamang siya ay nagdadalang-tao sapagkat ito ay isang sensitibong kalagayan na dapat paka-ingatan.

Ngunit, alam niyo ba na isang babae mula mismo dito sa Pilipinas ang nanganak sa mismong araw, na nalaman niyang siya ay nagdadalang tao?

Ayon sa kwento ni Pia Rapusas, naging mahirap para sakanya at sakanyang mister na si Jonathan Rapusas ang makabuo ng anak mula nang sila ay ikasal noon pang 2012.

Ito ay dahil sa pagkakaroon ni Pia ng kondisyon na kung tawagin ay PCOS o Polycystic Ovarian Syndrome –  isang uri ng kondisyon  sa mga kababaihan kung saan nagkakaroon ng ‘hormonal imbalance’ ang kanilang katawan na nagpapababa ng tiyansa upang sila ay magka-anak.

Noong una, inakala ni Pia na ang kanyang nararamdamang ‘ extreme abdominal pain’ ay dysmenorrhea lamang. Nakaranas din siya ng pagsusuka at ng hindi pa rin bumuti ang kanyang kalagayan, saka na siya nagpasyang magpa admit sa ospital .

Bago ito, may suspetsa na silang mag-asawa na posibleng siya ay nagdadalang tao at matapos siyang isailalaim sa pregnancy test, doon nila nakumpirma na siya ay 38 linggo nang buntis.

Sa mismong mga oras ding iyon, sinabi sakanya ng doktor na ang nararamdaman niyang pananakit ng tiyan ay bahagi na ng kanyang pag-labor. Agad na isinailalim si Pia sa caesarean operation at ligtas niyang ipinanganak ang lalaking sanggol na pinangalanang Isaiah David.

Paliwanag ng mga eksperto, ang naging pagbubuntis ni Pia ay ang tinatawag na “cryptic pregnancy” na karaniwang nararanasan ng mga babaeng may PCOS.

Hindi kase regular na dinaratnan ang babaeng may PCOS sapagkat hindi ang mga ito nag o-ovulate kaya’t mahirap ding e-detect kung sila ay buntis.

Maituturing na milagro ang pagkaka survie ni baby Isaiah dahil ayon sa pag-aaral, tanging 15% lamang ang mortality rate o pagkakataong mabuhay ng mga sanggol na produkto ng ‘cryptic pregnancy’.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *