Bungkaras Evacuation Center sa Camalig Albay nalalapit ng magbukas

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Municipal Health Emergency Response Team (MHERT) ng Local Government Unit (LGU) Camalig Albay na ang bagong itinayo na Bungkaras Evacuation Center sa Barangay Bongabong na malapit na umanong gamitin ng LGU bilang isolation facility.

Ayon sa MHERT, naging masusi ang pag-iinspeksyon ng mga ito upang matiyak na maayos ang itinayong bagong nasabing pasilidad.

Nakatakda rin mag-operate para sa pagtanggap ng Coronavirus Disease (COVID-19) positive patients sa bayan.

Ang pasilidad ay malawak na palapag na lugar na 1, 445sqm na may medical clinic, parking area, laundry and drying area, MRF, administrative office, play area, breastfeeding room, comfort room para sa mga babae, at lalaki, paliguan na may probisyon ng PWD at higit sa lahat kayang tumanggap 530 indibidwal o 106 pamilya.

Dagdag pa nito, inaprubahan ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Council (MDRRMC) ang Resolution No. 02-2021 na kilala rin bilang, “Isang Resolusyon na Pag-apruba sa Mga Alituntunin ng Paggamit at Pamamahala ng Bagong Ginawang Permanenteng Evacuation Facility sa Brgy. Bongabong, Camalig, Albay “.

Ang resolusyon ay sadyang inaprubahan upang mapalakas ang pandemikong pagtugon sa LGU-Camalig at mga pagsisikap sa pagbawi sa pamamagitan ng paggamit ng isang kaaya-aya, ligtas, at liveable shelter para sa mga kumpirmadong mga pasyente ng COVID-19 o closed contacts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *