MMDA mag-aalok ng libreng sakay sakaling matuloy ang banta na transport strike sa Lunes

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbibihay sila ng libreng sakay para sa mga apektadong commuters ng transport strike sa susunod na linggo.

Ayon kay MMDA spokesperson Melissa Carunungan, na batay sa pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC), humingi si Chairman Romando Artes, ng imbentaryo ng assets ng LGUs at barangays na pwedeng gamitin para sa libreng sakay o pag-augment ng public transportation sakaling may kakulangan sa mga sasakyan.

Dagdag ni Carunungan, na nakipag-ugnayan na ang MMDA sa Department of Transportation (DOTr) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na ikonsidera ang mga paraan para matulungan ang mga commuters na maapektuhan ng week-long transport strike.

Binigyang diin naman nito na ang “Magnificent 7,” o ang pinakamalaking transport groups sa bansa ay hindi makikihahok sa strike.

Una nag sinabi ng MMDA na plano nilang isuspende ang number coding scheme sa Metro Manila sa Lunes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *