Model pinatay sa harap ng nirerentahang bahay

Patay ang isang dalagang modelo at negosyante matapos barilin sa harap ngg nirentahang bahay sa Green Meadows, Brgy Sto Niño, Tugbok District, Davao City kagabi.

Ang biktima kinilala ng Mintal Police Station na si Yvonette Plaza tinatayang nasa 20 hanggang sa 30 taong gulang.

Napagalaman na pauwi na sana ang biktima at nang ipinarada ang kanyang SUV para sana buksan ang kanilang gate doon na siya binaril na humantong sa kanyang kamatayan.

Ayon sa isang residente na nainterview ng Brigada Davao isang putok umano ang kanilang nairinig at nakasigaw pa ang biktima nang mangyari ang krimen.

Isa umanong lalaki ang kanilang nakitang bumaril sa biktima at naglakad ito papunta sa motor na naghihintay at mabilis na umalis sa lugar.

Hindi naman nagpaunlak ng interview ang Mintal Police Station sa Brigada pati narin ang pamilya ng biktima ngunit patuloy umano ang imbestigasyon sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *