Most Wanted mula Batangas, arestado sa Pampanga

Tuluyang nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang most wanted na mula sa Batangas na nahaharap sa kasong pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa Apalit, Pampanga.

Kinilala ang akusado na si Terso Landicho y Alda alias “Terso Landicho”, 53 taong gulang, magsasaka, tubong Brgy. Balatbat, Lobo, Batangas at naninirahan sa Brgy Bonga Menor, Bustos, Bulacan.

Nahaharap ito sa kasong Murder at most wanted sa Oriental Mindoro.

Batay sa report, naaresto ito ng pinagsanib na pwersa ng Balete Municipal Police Station, Socorro Municipal Police Station-Oriental Mindoro Police Provincial Office at ang 2nd Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, dakong alas-3:30 ng hapon ng Enero 28, 2023 sa Pampanga.

Si Landicho ang itinuturong pumatay sa biktimang si Alfredo Alda Magtibay noong Marso 24, 2022 sa Brgy. Calocmoy, Socorro.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Balete Municipal Police Station ang naarestong akusado para sa kaukulang disposisyon at return of warrant nito. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *