Motor taxi rider – nagtangkang tumakas sa EDSA Busway

Mas mabigat na parusa ang kakaharapin ng isang rider ng motorcycle ride-hailing service dahil sa tangka nitong pagtakas at halos sagasaan ang mga traffic enforcers na humuli sa kanya dahil sa paglabag sa EDSA Bus Lane policy.

Nahuli ng MMDA Special Operations Group-Strike Force ang rider na may sakay na pasahero sa EDSA-Cubao northbound.

Imbes na huminto para mabigyan ng violation ticket, hinarurot ng rider ang kanyang motor.

Sinubukan ng tatlong traffic enforcers na pigilan ang rider sa kanyang pagtakas, pero sila ang nanganib.

Ang rider ay tuluyang natikitan sa paglabag sa EDSA Bus Lane policy at reckless driving.

Sa utos ni MMDA Acting Chairman Atty. Artes, magsusumite ang ahensiya ng report sa ride-hailing app na kanyang pinapasukan at maghahain ng reklamo sa Land Transportation Office kasabay ng paghiling na kanselahin ang kanyang lisensya.

Patong-patong din na criminal charges ang planong isampa ng ahensiya laban sa rider.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *