Naga City nakapagtala na naman ng mataas na kaso ng COVID-19

NAGA CITY – Tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 sa Naga City na kung saan umabot nga ito sa 42 kahapon.

Sa talaan ng Health Emergency Response Task Force (HERTF) kabilang sa mga  kinokonsiderang positibo ay ang anim na mga batang pawang mga estudyante.

Pinakabatang napasama sa positibo kahapon ay itong tatlong taong gulang na, tatlong guro, apat na nurses at ilan pang mga empleyado sa pampubliko at pribadong opisina.

Sa pinakabagong COVID-19 record ang Naga City ay may kabuuang kaso na itong umabot sa 3,444. May naka recover na ring 3,068, active cases na 254 at 122 mga namatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *