Pagkain ng hotdog, nakakabawas ng 36 minuto sa life span – study

USA – Natuklasan ng mga mananaliksik sa University of Michigan na ang pagkain ng hotdog ay nakakabawas ng 36 minuto sa buhay ng tao.

Sa pag-aaral na inilathala ngayong Agosto sa journal na Nature Food, tiningnan ang epekto ng 5,853 na mga pagkain sa bawat minute ng buhay ng isang tao.

“We wanted to make a health-based evaluation of the beneficial and detrimental impacts of the food in the entire diet,” ani Olivier Jolliet, professor of environmental health sciences of University of Michigan.

Ayon kay Jolliet, sa isang standard beef hotdog bun, ang 61 gramo na processed meat nito ay nakakabawas ng 27 minuto sa buhay ng tao.

Ngunit kapag ang hotdog ay nilagyan ng mga sangkap gaya ng sodium o asin at mga trans fatty acids, ang final value off healthy life loss ay 36 minuto.

Nilinaw naman ng mga researchers na ang kanilang pag-aaral ay hindi para i-cancel out ang mga detrimental food choices na nakakasama sa kalusugan kundi ay maibahagi sa tao ang tamang pagpili ng mga masusutansiyang pagkain.

Samantala, natuklasan sa pag-aaral na ang pagkain ng nuts, legumes, seafood, prutas at mga non-starchy vegetables ay nakakadagdag naman sa life span ng isang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *