Naipamahaging tulong sa Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, umabot na sa mahigit PHP100M

LEGAZPI CITY – Umabot na sa mahigit PHP100M ang naipamahaging tulong sa lalawigan ng Albay dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Bicol, ito ay mula sa iba’t ibang uri ng tulong mula sa mga ahensya ng gobyerno, pribado at pampublikong kumpanya, mga organisasyon at iba pa.

Maliban sa ibinigay na tulong ng OCD Bicol na umabot sa halagang mahigit PHP10M, namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ng mahigit PHP60M, Department of Health na may mahigit PHP3M, Department of Agriculture na may mahigit PHP1M at mga LGU na umabot sa PHP900,000.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdating ng tulong sa lalawigan partikular na sa mga apektadong bayan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga inilikas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *