Nakaambang modernization, makakaapekto sa pasada ng mga tricycle sa Puerto Princesa

Inamin sa Brigada News FM ni TODA Federation President Efnie Lusoc na malaki ang epekto ng modernization program ng pamahalaan sa pamamasada ng mga tricycle lalo na sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay Lusoc, may mga bagong ginawang ruta para sa Public Utility Vehicle Modernization, kabilang umano rito ang Mabini Street hanggang Old Airport na patuloy na ipinakikiusap at positibo naman aniya mapagbibigyan sila.

Dagdag pa ni Lusoc, sa inisyal na pag-uusap sa Committee Meeting of Transportasyon ng Sangguniang Panlungsod ang mga modern na sasakyan ay sa highway lamang habang ang mga papasok na kalsada ay sa tricycle.

Kaugnay nito, ipinapakiusap din nila na ibigay sa mga namamasadang tricycle ang looban ng Barangay Sta. Monica kasama na ang City Hall, subalit ito umano ay patuloy pang pinag-aaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *