Narehistro sa PhilSys sa region 12, higit 1.3 million na

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA ang Soccsksargen region ng 1,303,250 na mga indibidwal na nakapagparehistro at nakakumpleto sa Step 1 process para sa Philippine ID System o PhilSys batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA region 12 noong April 30.

Ito ay mas mataas kumpara sa target na 949,440.

Sa PhilSys Dashboard ng region 12, naitala sa Cotabato province ang may pinakamaraming registrants na umabot sa 419,115. Ito ay sinusundan ng Saranggani na may 377,562, South Cotabato na may 273,178 at Sultan Kudarat nga nakapagrehistro ng 233,395 na mga indibidwal.

Ang PSA 12 ay nagdeploy ng 184 na mga data collectors na nagsagawa ng house to house collection ng demographic information.

Bahagi naman ng Step 2 ang pag record ng biometrics at validation, at sa Step 3 ang issuance ng PhilSys number at PhilSys ID.

Layon ng Philippine ID System Act na magkaroon ng isang national ID para sa lahat na mga Pilipino at mga resident aliens sa bansa.

Sa ngayon, on going na ang online registration para sa Philippine ID System.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *