National highway sa Saravia at Carpenter Hill, isinusulong na malagyan ng center island

KORONADAL CITY — MALAKI ang maitutulong ng isinusulong na center island sa gitna ng napakalapad na national highway sa mga barangay ng Saravia at Carpenter Hill dito sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Police Chief Sergeant James Gervacio, Traffic Supervisor ng Koronadal City PNP sa isinagawang committee meeting ng Committee on Transporation ng Sangguniang Panlungsod.

Ayon kay Gervacio, isa sa mga dahilan ng aksidente sa nasabing highway ay ang bad turning o maling pag-overtake na isa umanong paglabag sa traffic rules.

Dahil open area ang nabanggit na lugar, malaki umano ang maitutulong ng center island dahil magkakaroon lamang ng designated area sa highway kung saan maaaring lumiko ang mga motorista.

Sa datos ng PNP mula 2019 hanggang Hulyo 2022, umaabot na sa 202 ang bilang ng aksidenteng naitala sa nasabing highway.

Napag-alaman na sa buong South Cotabato, ang bayan lamang ng Surallah ang may center island sa highway na dati ding maituturing na accident prone area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *