Masbate, naabot na ang 82.1% Covid-19 vaccination accomplishment

SORSOGON CITY – Nabakunahan na ang 82.1% na populasyon ng Masbateños laban sa Covid-19.

Sa datos na ipinalabas ng DOH-Bicol, umabot na sa 525, 078 na Masbatenos ang nabakunahan mula sa 639,523 target na populasyon mula edad 5-anyos hanggang 60-anyos pataas.

Nakapagtala ang Masbate City ng pinakamataas na accomplishment sa 107.3% o 73,366 sinundan ito ng bayan ng Balud na may 28,035 o 102.6%; Mandaon, 29,395 o 99.4%; Milagros, 38,346 o 93.1% at ang bayan ng Dimasalang na nakapagtala ng 17,333 o 92.3% na nabakunahan.

Samantala, mas maraming naitalang nabakunahan edad 18-anyos hanggang 59-anyos na umabot sa 322,147 sinundan ito ng 12-anyos hanggang 17-anyos na umabot sa 106, 694 habang may 40, 958 na edad 60-anyos pataas ang nabakunahan at may 55, 279 o 50% naman na edad 5-anyos hanggang 11-anyos ang nabakunahan.

Patuloy pa rin ang panawagan ng DOH-Bicol sa publiko na kumpletuhin ang kanilang pangunahing dosis at ang kanilang mga booster shots.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *