National museum sa Bicol, binuksan na sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Pormal nang binuksan sa P-5, Busay, Daraga, Albay ang National Museum Bicol (NMB).

Tampok sa nasabing museyo ang mga outdoor exhibit dahil sa iba’t ibang mga atraksyon katulad ng Butterfly Sanctuary kung saan makikita ang mahigit 200 na makukulay na mga paru-paro.

Mayroon ding botanical garden na makakakitaan ng iba’t ibang uri ng bulaklak, gulay at mga fruit-bearing na mga tanim pati na ang rock formations mula sa bulkang Mayon ay tampok rin sa nasabing garden.

Isa rin sa kanilang pinagmamalaking atraksyon ay ang roof deck para sa mga gustong matunghayan ang perkpektong itsura ng bulkan, at ang indoor geology exhibition para sa mga interesado sa earth sciences.

Samantala, bukas naman ang NMB sa pagtanggap ng libre o free admissions para sa mga walk-in visitors mula araw ng Martes hanggang Linggo, alas tres ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Mahigpit naman umanong ipinagbabawal ng mga namamahala ng museyo ang pagkukuha ng video nang walang pahintulot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *