NCAA, nagbabala kay Brent Paraiso dahil sa kawalang respeto sa mga games official

Nagbigay ng mahigpit na babala ang National Collegiate Athletic Association o NCAA kay Brent Paraiso ng Colegio de San Juan de Letran dahil sa kawalang respeto sa mga games official sa Game 2 ng Season 98 Finals laban sa De La Salle-College of Saint Benilde noong Linggo.

Nahuli sa camera si Paraiso na nakikilahok sa isang chant, na may kasamang mga pagmumura. Nangyari ito sa 5:29 mark ng second period matapos ang disqualifying foul ng kanyang teammate na si Fran Yu.

Itinuring ni league commissioner Tonichi Pujante na walang galang ang ginawa ni Paraiso.

Ang desisyon ni Pujante na sawayin si Paraiso ay batay sa tuntunin ng liga na nagsasabing sinumang manlalaro na magbibigkas ng masasamang salita o gumawa ng masasamang galaw sa sinumang opisyal ng laro ay sasailalim sa paalala sa first offense at ejection o suspension sa second offense.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *