NCR Plus, isinailalim sa GCQ with heightened restrictions

Inanunsyo ng Palasyo na ipatutupad ang heightened restrictions sa Metro Manila at sa mga kalapit nitong lalawigan kabilang na sa Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna oras na maging epektibo ang general community quarantine sa mga nasabing lugar mula May 15 hanggang May 31, 2021.

Dahil sa heightened restrictions ay ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang essential travel na papasok at palabas ng NCR Plus lamang ang papayagan.

Mananatili naman operational ang pampublikong transportasyon alinsunod sa mga kapasidad at protocols na makikita sa panuntunan ng Department of Transportation.

Papayagan naman ang indoor dine-in services sa NCR Plus, ngunit 20% lamang ng venue o ng sitting capacity nito ang pwedeng magamit.

Nasa 50% naman ng venue o sitting capacity ang pwedeng magamit sa al fresco o outdoor dining.

Maari naman buksan ang 30% ng outdoor tourist attractions sa NCR Plus, kung saan ay istriktong ipatutupad ang minimum public health standards.

Pahihintulutan na rin ang religious gatherings at ang mga pagtitipon para sa necrological services, lamay, inurnment, at libing para sa mga pumanaw mula sa ibang rason maliban sa COVID-19 ngunit 10% ng venue capacity lamang ang papayagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *