New Zealand Prime Minister darating ngayong araw sa Malacañang para sa isang state visit

Darating ngayong araw sa Palasyo ng Malacañang ang Prime Minister ng New Zealand na si Christopher Luxon para sa isang state visit.

Sa farewell call kahapon ng outgoing ambassador ng New Zealand to the Philippines na si Peter Francis Tavita Kell kay Pangulong Bongbong Marcos, iniulat nitong makakasama ni Prime Minister Luxon ang 25 top business leaders ng kanilang bansa.

Layon ng kanyang state visit na mas patatagin pa ang ugnayan ng Pilipinas at New Zealand, na nakatakdang gunitain ang ika-58 taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Mamayang alas kwatro ng hapon inaasahan ang pagdating ni Luxon sa Palasyo ng Malacañang kung saan bibigyan ito ng arrival honors sa Kalayaan Grounds.

Magkakaroon rin sila ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos, at inaasahang maglalabas ang dalawang lider ng kanilang joint statement.

May inihanda rin ang Palasyo na state banquet para sa Punong Ministro ng New Zealand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *