Newly-elect senators, tiniyak na tatapusin ang mga nakabinbing batas ng 18th Congress

Tiniyak ng bagitong senador na si Senator-elect Raffy Tulfo na ipagpapatuloy nito ang ilang mga pending bills na hindi natapos sa 18th Congress.

Ayon kay Tulfo, marami pang mga magagandang panukala ang dapat maipatupad at umusad sa Kongreso.

Karamihan aniya rito ay nakalusuot na sa 3rd reading at kinakailangan na lamang dumaan sa bicam.

Isusulong umano niya na i-preserba ang mga ito, o ‘di kaya nama’y gawin itong basehan ng 19th Congress.

Samantala, sinabi rin ni Tulfo na nais niyang maging bahagi ng supermajority sa Senado nang sa gayon ay mas mapadali ang pagsasabatas ng mga isusulong niyang panukala.

Umaasa rin ito na ang itatalagang Senate President ay walang pino-protektahang interes at mga negosyo.

Para naman kay graduating Senator Frank Drilon, umaasa siya sa mga bagong talagang senador na gagampanan nila nang maayos ang kani-kanilang mga trabaho.

Naniniwala rin si Drilon na bagamat mayorya ng mga naihalal na mga mambabatas sa Senado ay mga ka-alyado ng administrasyon – mananatili pa rin ang independence ng mga ito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *