No. 1 most wanted person arestado sa kasong rape

SORSOGON CITY – Arestado ang Top 1 most wanted person sa isinagawang Manhunt Charlie ng Sorsogon City Police kaninang umaga, Abril 5 nitong taon sa Brgy Abuyog, East District lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Fernando Alcantara Odiña, 43-anyos, binata, magsasaka at naninirahan sa nasabing lugar.

Sa ulat na nakalap ng Brigada News, kaninang alas 9:30 ng umaga naaresto ang akusado sa Sitio Kuta, Km. 8 ng nasabing barangay.

Si Odiña, ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ng ni Hon Zach Zaragoza Ziga, Presiding Judge of Family Court, 5th Judicial Region, Br 12, Sorsogon City na may petsang Disyembre 20, 2021 at walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nakadetene ang akusado sa custodial facility ng Sorsogon City Police Station para sa dokumentsayon at kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *