Non-essentail travels na direktiba ng DILG, guidelines sa LGUs na – DILG Batangas

Batangas City – Pinabahala na ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government ang mga guidelines o mga dapat gawin upang maipatupad ang memorandum na nagbabawal sa mga non-essential travels papasok ng Batangas province.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay DILG Batangas Provincial Director, sinabi nito na nabigyan na ng mga kaukulang kopya ng memo ang lahat ng lokal na pamahalaan at iba pang mga konsernadong ahensya upang maipatupad ang pagbabawal na muna sa mga non-essential travels papasok ng Batangas dahilan nga sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Nabatid pa rin na ang paglalatag ng mga checkpoints sa kada entry at exit points ng mga bayan at siyudad ay depende sa kautusan ng snumang local chief executive ng bawat lokal na pamahalan sa Batangas.

Samantala mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpasok sa mga high ris areas lalot higit ng mga lugar na pasok sa 7km danger zone malapit sa bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *