NPA, patuloy na tatawaging terorista ng Army-Bicol

‘Maraming sapat na batayan para tawagin silang terorista,’ ito ang naging sagot ng commander ng 9th Infantry Division, Phil Army na si  MGen Alex Luna sa tanong ng Brigada News Sorsogon kung patuloy pa rin ba nilang tatawaging CTG sa kanilang press releases ang rebeldeng grupo sa kabila ng ipinalabas na decision ng Manila Regional Trial Court (MRTC) na nagbabasura sa petisyon ng Dept of Justice (DOJ) na ideklarang terorista ang CPP-NPA.

Ayon pa sa opisyal, ilang dekada na na naghahatid ng terorismo ang nasabing grupo, hanggang ngayon ay patuloy ang kanilang extortion activities sa mga mahihirap at mayayaman, pagpatay, pag-ambush hindi lang ng mga sundalo at pulis kundi maging nang mga sibilyan, pagdukot, pagrekrut ng mga kabataan, pangingikil tuwing eleksyon at marami pang iba.

Dagdag pa nito, hindi lang ang Pilipinas ang nagdeklara na ang NPA ay terorismo kundi maging ang bansang US, Australia, Canada at New Zealand.

Sinabi pa nito na ‘’hindi pa tapos ang laban,’’ ang kaso ay maaaring iakyat pa sa higher court o iba pang remedies.

Hindi rin umano maaapektuhan sa ibinabang desisyon ng MRTC ang kanilang anti-insurgency efforts.

Kung babalikan, sa naging ruling ng MRTC, dinismis nito ang petisyon ng DOJ matapos na timbangin ang 10-point program ng CPP na nagpapakita ng mga ideolohiya na walang kaugnayan sa terorismo.

Noong Pebrero 2018 nang isampa ng DOJ ang proscription case laban sa CPP-NPA na base sa RA 9372 o Human Security Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *