Opening of classes sa Cauayan City, naging matagumpay; higit 38, 000 na mag-aaral nakapag-enrol na

Maayos na naisagawa ang unang araw ng pagbubukas ng klase sa Cauayan City para sa school year 2021-2022

Ito ay sa kabila nang hindi pa rin pinapayagan ang face to face classes at distance learning ang modalities ng pag-aaral ngayong taon.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., ang Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan City, ito ay dahil sa nakitang excitement pa rin ng mga learners na makapag-aral mapa-online o offline learnings.

Ayon sa kaniya, wala namang naitalang hindi magandang pangyayari sa lunsod kasabay ng opening of classes kahapon.

Aniya, umabot na sa 38,375 ang kabuoang bilang ng mga nakapag-enroll sa pribado at pampublikong paaralan.

Mayroon na lamang aniyang halos 2,000 ang hinihintay pa na makapagpatala at inaasahang maabot ito lalo pa’t extended ang date of enrollment ng hanggang September 30, 2021.

Ayon pa kay Dr. Gumaru, araw-araw nilang minomonitor ang kanilang talaan at marami pa rin ang mga nagpapaenrol.

Samantala, natutuwa naman ang pamunuan ng SDO Cauayan dahil marami na sa mga learners ang nais magpatala sa online classes dahil marami na sa mga ito ang mayroong gadget.

Aniya, gusto ng mga mag-aaral ang online classes dahil sa nagkakaroon ng interaksyon sa kanilang klase ang mga bata at guro.

Sa pamamagitan din nito, nabibigyan ng pagkakataon na maipaliwanag nang maayos ng teacher ang kanilang lesson sa partikular na subject.

Gayunman, batay aniya sa kanilang ginawang survey kahapon kung saan negative feedback mula sa teacher at learners ang mabagal o unstable na internet connection.

Aminado si Dr. Gumaru na nakararanas ng ganitong sitwasyon subalit nakikipag-ugnayan umano sila sa mga provider na ibigay ang sapat na koneksyon sa mga regular days ng klase upang walang maging sagabal sa kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *