‘Oragon Resilience’, ipinagmalaki ng DSWD-Bicol kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month

BICOL – PINURI ni Regional Director Leo Quintilla ng DSWD sa rehiyon ang abilidad ng mga Bicolano na makabangon paagkatapos ng anumang kalamidad o ang tinukoy nito bilang ‘Oragon Resilience.”

Kasabay ang pahayag ng pormal na pagsisimula ng selebrasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong buwan ng Hulyo.

Ang NDRM ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa resilience building ng mga mamamayan.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Quintilla na patuloy dapat na paigtingin ang mga inisyatibo sa paghahanda sa kalamidad at epektibong pagrespode sa pangangailangan ng mga pamilyang apektado nito.

Ayon pa rito, ang DSWD ang nagsisibling vice chair ng Disaster Response Cluster, ibig sabihin nito ay ang ahensya ang siyang mangunguna sa pagbibigay serbisyo at programa para sa mga komunidad na apektado ng kalamidad.

Bukod aniya sa Emergrency Shelter Assistance, Cash at Food for Work programs para sa mga nawalan ng bahay at kabuhayan, nagsasagawa rin ang ahensya ng pyschological support activities upang matulungan ang mga nakaligtas na ma-proseso ang kanilang karanasan upang hindi ito mauwi ‘trauma.’

Samantala, nagpaabot ito ng suporta sa mga gawain at inisyatibo ng mga LGUs at iba pang ahensya upang mapanatiling ligtas ang bawat pamilyang pilipino.

Tema ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong tao ay: “Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman at Pagtutulungan, sa Sakuna’y Kalasag ng Bayan”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *