P1,000 dagdag ayuda sa mga indigent senior citizens malabong maisakatuparan ngayong taon

Malabong maisakatuparan ngayong taon ang dagdag na 1000 pesos na monthly social pension sa mga indigent senior citizens.

Ito ay sa kabila ng paglapsed into law ng panukalang nagpapataas ng social pension ng mga indigent seniors.

Nilinaw ni National Commission of Senior Citizens o NCSC Chairman Atty Franklin Quijano na bagamat batas na ang panukala, magiging epektibo aniya ang implementasyon nito sa 2023.

Paliwanag ni Quijano sa ngayon kasi ay wala pang pondo na inilaan ang gobyerno para sa naturang batas.

Tinatayang nasa 4.1 milyong mga senior citizens sa buong bansa ang makikinabang sa dagdag na benipisyo.

Tiniyak naman ng NCSC na agad nilang tutukan ang pagbuo ng implementing rules and regulations o IRR para mas mabilis na maipatupad ang batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *