P22 million, inilaang pondo para sa Ivermectin clinical trials – DOST

Inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na naglaan ang pamahalaan ng P22 million para sa pagsasagawa ng clinical trials sa paggamit ng antiparasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na sa tulong ng isasagawang clinical trials ay makakapagbigay ito ng efficacy at safety data kung saan malalaman aniya dito kung mabisa ang naturang gamot sa asymptomatic at non-severe COVID-19 patients.

Kaugnay nito’y target na isailalim sa double-blind at randomized controlled trials ang nasa 1,200 volunteer participants.

Bukod dito, sa oras na magsimula na ang clinical trial ay may tututok na project team na na siyang makikipag-coordinate sa Philippine Red Cross at iba pang pasilidad para sa kinakailangang volunteers para magamit ang isolation facilities ng PRC.

Umaasa naman si Pangulong Duterte na magiging maganda ang resulta ng gagawing pag-aaral sa Ivermectin upang magkaroon na aniya ng panibagong panlaban sa COVID-19.

Samantala, inaasahan namang sisimulan na ng Pilipinas ang clinical trials para sa ivermectin ngayong buwan ng Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *