Pagasa: Katamtaman hanggang malakas na ulan asahan re: Habagat, monsoon trough

Malaki ang posibilidad na makaranas ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan.

Ito ay dahil sa makapal na cloud bands mula sa southwest monsoon o Habagat at ng monsoon trough.

Ayon sa Pagasa, ang monsoon troughs ay portions ng intertropical convergence zone (ITCZ) na konektado sa umiiral na monsoon system at low-pressure systems sa bisinidad.

Ang trough ay nagsimula sa southeastern portion ng Philippine Sea, papuntang northwest hanggang Visayas, Central Luzon, hanggang sa West Philippine Sea at ibang bahagi ng Asya.

Babala ng weather bureau, ang naturang weather system ay maaring magdulot ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa western side.

Sa huling forecast ng Pagasa, ang low-pressure area ay namataan sa 680 kilometers west ng Laoag City sa  Ilocos Norte. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *