Comelec: Wala nang extension para sa voter registration period

Inihayag ng Commission on Elections na wala nang extension para sa voter registration period para sa nalalapit na 2022 polls.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ang registration ay magtatapos sa September 30.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga aplikante na magpunta sa alinmang Comelec offices mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas 8 a.m. hanggang alas 5 p.m., para sa registration.

Kaugnay nito, kailangan dalhin ng mga ito ang kanilang identification card, ballpen at voter’s registration form, habang mahigpit na susundin ang safety protocols, kabilang na ang pagsusuot ng face masks at shields.

Samantala, inaasahan na umano ng Comelec ang mababang voter turnout sa susunod na taong halalan dahil sa COVID-19 pandemic.

Mababatid na ang halalan ay mangyayari sa May 9, 2022. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *