PAGASA nagpaliwanag muli sa umano’y hindi pagiging accurate

NAGA CITY- Ipinaliwanag muli ng PAGASA ang umano’y nakakabit na mga punang hindi naging accurate ang kanilang mga forecast noong mga nagdaang bagyo.

Sa pagdalo ng weather forecaster ni Mr. Ariel Zamudio sa Disaster Risk Reduction Training for Media Practitioners sa Naga City kahapon Mayo 26, sinabi nitong may mga bagyong nagbabago paunti-unti ang direksyon , mayroon din naman nagkakaroon ng rapid intensification kaya dapat laging nakaantabay ang publiko sa forecast.

Inihalimbawa nito ang Super Typhoon Mawar o Super Typhoon Betty na mula sa pagiging bagyo ay naging super bagyo at humina ng kaunti kaya bumalik sa typhoon category, nang lumakas muli ay pasok nanaman sa pagiging super typhoon.

Aniya kahit na may oras na sisununod an PAGASA sa pagpapalabas ng bulletin nag u-update naman sila kung may malaking pagbabago kahit hindi pa oras ng susunod na bulletin.

Ipinaliwanag nito ang cone of uncertainty o cone of probability, ito ang mga lugar na maaring daaran kung bumaba o tumaas ang bagyo o nagbago ng direksyong tinatahak.

Samantala, hindi naman kasama ang Bicol Region sa area of uncertainty ng kasalukuyang sama ng panahon kahit na aabot sa 500 km ang radius nito. Inaasahang magdadala ng pag-uulan ang hanging habagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *