Programang “Eco Bottles: Palit School Supplies Palit Bigas” isinagawa ng MENRO sa bayan ng Jose Panganiban

CAMARINES NORTE- Isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng bayan ng Jose Panganiban ang programang “Eco Bottles: Palit School Supplies Palit Bigas.”

Ang programang ito ng MENRO ay layong hikayatin ang mga residente ng nasabing bayan na magsegregate ng kanilang basura at ipunin ang kanilang mga eco-bottles.

Ang mga nakolektang plastic bottles ng mga residente ay pinalitan ng school supplies, bigas at personal hygiene kits.

Samantala, base sa datos, ang Pilipinas ay pangatlo sa pinakamalaking source ng plastik sa buong mundo na naitapon sa dagat at ang may pinakamataas na basurang nakokolekta sa Southeast Asia

Ang ranking ng Pilipinas tungkol sa basurang plastik ay ayon sa 2015 report ng Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *