Pagbaba ng unemployment – wi-nelcome ni PBBM

Ikinalugod ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag unlad at pagiging matatag ng labor market sa bansa, batay sa pinaka huling survey nitong Disyembre.

Sa social media ng Pangulo, sinabi nitong ang positive momentum sa labor force ay maiuugnay sa matatag na paglago ng mga major industry groups kabilang ang construction, agriculture at serbisyo.

Naniniwala rin ang Presidente na ang pagsasabatas ng Public-Private partnership code at 4PH Housing program ay mas magpapasigla pa sa economic activity ng bansa at makakalikha ng mas maraming trabaho.

Nabatid na batay sa tala ng PSA, naitala ang 3.1% unemployment rate noong December 2023, mas mababa sa 4.3% sa kaparehong buwan noong 2022.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *