Pagbabakuna sa mga estudyante ng Camarines Norte State College isinagawa kahapon

CAMARINES NORTE- Isinagawa kahapon sa Camarines Norte state college ang vaccination bilang tugon sa layunin ng Deped at CHEd na mabakunahan ang lahat na mga estudyante.

Bukod sa estudyante maging ang mga Pamilya o kaaanak ng CNSC student ay nabakunahan rin upang mas lalong  mapagtibay ang pinaghahandaan ngayong face to face class na posibleng gawin sa susunod na taon.

Ang nasabing vaccination ay pinangunahan mismo ng Department of health, Provincial health office at ng PNP Camarines Norte upang makatulong sa mga kababayan na taga Camarines Norte lalo na estudyante ng nasabing institution.

Maliban sa mga estudyante at mga pamilya nito tinanggap din ang mga Senior citizens na walk in at iba pang mga kababayan na nais magpabakuna bilang programa ng pamahalaan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *