Pagbubukas ng in-person classes malaking tagumpay para sa Kabataang Pilipino-DepEd Sec. Sara Duterte

Tinawag na isang malaking tagumpay para sa mga Kabataang Pilipino ang pagbubukas muli ng in-person learning sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Vice Pres. at Department of Education Sec. Sara Duterte sa pagbisita nito ngayong araw sa Dinalupihan Elementary School sa lalawigan ng Bataan.

Ayon sa opisyal, wala ng excuses pa ngayon dahil kailangan nang maibalik ang in-person learning dahil mas makukuha sa pamamagitan nito ang dekalidad na edukasyon.

Aniya, hindi binabalewala ng kagawaran ang pangambang dulot ng pandemya kaya naglatag ng mga alintunin ang DepEd katuwang ang Department of Health para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at mga non-teaching personnel.

Samantala, ayon pa sa kalihim sa kanilang pinakahuling datos ay mayroon ng 27.8 million na mag-aaral ang naka-enrol sa buong bansa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *