Tinatayang P400,000 halaga ng marijuana, sinunog ng mga awtoridad sa Davao del Sur

Nasa 400,000 halaga ng marijuana na na-recover ng mga awtoridad ang sinunog sa isinagawang ‘marijuana eradication’ sa Kiblawan PNP sa Sitio Ulo Nikit, Barangay Kimlawis, Kiblawan, Davao del Sur.

Pinanungahan ni PCpt Ian Marc Polestico, Officer In-Charge sa Kiblawan Municipal Police Station ang nasabing seremonya na tinawag itong “Oplan-Hurot” katuwang ang 1st at 2nd Davao Sur Provincial Mobile Force Company at PDEA XI.

Ayon sa opisyal, aabot sa 2,000 mga puno ng marijuana ang kanilang binunot at sinunog sa lugar.

Nakatanim ang mga ito sa higit 500 square meter na lupain at may street value na 400,000 pesos.

Dagdag pa ni PCpt Polestico, patuloy nilang iniimbestigahan kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing lupa para masampahan ng kaso.

Nagpapasalamat naman ang mga awtoridad sa mga stakeholders na tumulong sa kanila para magtagumpay sa kanilang operasyon.

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *