Pagiging Covid-free ng Sorsogon natuldukan na, dalawang positibong kaso naitala nitong weekend

SORSOGON CITY – Natuldukan na ang halos kalahating buwan na pagiging Covid free ng lalawigan ng Sorsogon, ito’y matapos na dalawang positibong kaso ang naitala nitong weekend.

Ang unang kaso ay isang  44 na taong gulang na lalaki mula sa Barangay Calomagon sa bayan ng Bulan at naitala noong araw ng Sabado.

Naitala naman kahapon araw ng Linggo ang pangalawang kaso na isang 18 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Sampaloc sa lungsod ng Sorsogon.

 Sa kasalukuyan ay mayroon ng kabuuang 8,343 na mga indibidwal na tinamaan ng nasabing sakit.

Kaugnay nito nagpa-alala muli ang mga kinauukulan na patuloy pa ring  sumunod sa mga health protocols upang hindi na madagdagan pa ang nasabing kaso.

Kung matatandaan Mayo 1 pa ng maideklarang Covid-free ang lalawigan.

Samantala, ang Sorsogon ay nananatili pa rin sa Alert Level 2 maliban sa bayan ng Irosin na iibinaba na ng IATF sa Alert Level 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *