Pagkasawi ng isang 8-anyos na estudyante dahil umano sa heat stroke beniberipika ng DepEd CamSur

CAMARINES SUR- Kinumpirma ng Department of Education Camarines Sur Division na may walong taong gulang na batang lalaki na binawian ng buhay sa kanilang tahanan sa San Jose Camarines Sur pero patuloy nilang inaalam kung heat stroke nga ang ikinasawi nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Education program Supervision, Information Officer Salvador Pelingon , Mayo 9 nang ipinaalam sa adviser ng bata sa San Jose Central ang pangyayari nitong Mayo 8, 2023 ng gabi.  Sa pagkabigla ng guro kaagad itong beniberipika, heat stroke ang duda ng mga nasa lugar.

Pagbibigay diin ni Pelingon, wala pa silang hawak na patunay mula sa health personnel at ito aniya ang kanilang beberipikahin.

Sinabi rin sa Brigada News FM Naga ni Municipal Health Officer Arnel Armea na wala rin silang record.

Samantala muli namang pinaalala ng Education Program  Supervisor na ang mga paaralan na nakakaranas ng matinding init ay maykapangyarihan na mag desisyon sa kanilang mode of learning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *