Pagpasok ng El Niño sa bansa, binabantayan ngayon ng PAGASA

LEGAZPI CITY – Iniyahag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na unti-unti nang nakakaranas ang bansa partikular ang Bicol Region ng mainit na panahon.

Ayon kay PAGASA Legazpi Regional Wather Forecaster, Michael Francisco, binabantayan na nila ang pagpasok ng El Niño o tag-init sa bansa.

Aniya, ang naitalang init na temperatura sa Bicol sa ngayon ay nasa 32.3°C, at inaasahang tataas pa ito sa 34°C hanggang 35°C o depende sa heat factor.

Dahil dito, kinakailangan ang pag-iingat ng publiko upang maiwasan ang heat stroke at heat cramps.

Paalala ng ahensya, iwasan muna o limitahan ang paglabas sa bahay bandang alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon dahil sa napakalas na init na posibleng mararanasan.

Dagdag pa nito, ugaliin din ang palagiang pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration at iwasan ang pag-inom ng kape, softdrinks at kumain ng tsokolate.

Samantala, binigyang-diin naman ni Francisco na hindi tinatanggal ng PAG ASA na magkaroon ng bagyo ang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *