Pagsasabatas ng Maritime Zones Act, makapagpapatibay daw ng pagbabantay sa mga smuggler

Nanindigan si Senador Francis Tolentino na madaling mamo-monitor ng pamahanaan ang smuggling activities gaya ng nangyari sa bigas, sibuyas, at asukal kung maitutupad ang batas kaugnay ang Philippine maritime zones.

Ayon kay Tolentino, mas mapadadali ang kanilang pagbabantay sa mga smuggler dahil sa naturang zone lamang dumadaan ang mga ito.

Ipinunto rin ng senaodr na 125 na mga bansa na may may maritime zone laws, at tanging Pilipinas na lamang – na isang bansang napalilibutan ng dagat, ang wala.

Kung maaalala, una nang sinisi ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga smuggler para sa tumataas na presyo ng basic commodities.

Sa huli, nanindigan ang mambabatas, ang mungkahing Maritime Zones Act ang siyang bubuo sa jurisdiction ng bansa sa exclusive zones at continental shelf nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *