Pagsasagawa ng face-to-face closing ceremonies, hindi pa rin pinapayagan sa rehiyon ayon sa Deped-Bicol

BICOL – KASABAY ng pagtatapos ng school year 2020-2021, binigyang-diin ngayon ng Department of Education o Deped sa Bicol na hindi pa rin pinapayagan ang pagsasagawa ng face to face closing ceremonies sa rehiyon.

Ayon kay Deped-Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, ang pagsasagawa ng nasabing seremonya para sa mga magsisipagtapos ay hindi umano ‘mandatory’ base sa guidelines na inisyu ng central office.

Nakasaan dito na kung magkakaroon man ng closing ceremony ngayong school year, ito ay dapat ikinonsulta at pinagsang-ayunan ng mga magulang at iba pang stakeholders.

Gayunpaman, sinabi ni Sadsad na maaaaring magsagawa ang mga paaaralan ng house-to-house recognition ceremony kung saan mismong mga school officials ang magtutungo sa bahay ng mga graduating students upang iabot ang kanilang mga diploma.

Sa ganitong paraan, ay magkakaroon din ng tyansa ang mga estudyante na makapag suot ng toga at magawaran ng sertipiko o medalya.

Samantala, inaasahan aang pagtatapos ng klase saa blended learning sa rehiyon ngayong buwan ng Hulyo kung saan hinihikayat rin ng Deped-Bicol ang pagsasagawa ng graduation virtually.

Ayon sa Deped, pinapahintulutan ang mga paaralan na magsagawa ng virtual ceremony mula July 12 hanggang 16. Maari umanong makapagdaos ng maiksing programa online o mas mababa sa dalawang oras bilang konsiderasyon sa internet connectivity.

Tanging ang mga completers at kanilang magulang, guardians, guro, at school administrators ang pwedeng dumalo sa virtual rites.

Maari ring i-broadcast ng paaralan ang kanilang virtual rites sa kanilang mga social media platforms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *