Palasyo tiniyak na igigiit ang karapatan ng Pilipinas sa mga nasasakupang teritoryo

Tiniyak ng Palasyo na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa mga teritoryong nasasakupan ng bansa.

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos maiulat ang pagbomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa dalawang barko ng Pilipinas sa bahagi ng ayungin shoal.

Sa inilabas na pahayag ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles naging mabilis ang aksiyon ng DFA at agad na kinondina ang naturang insidente.

Dagdag pa ni Nograles na katulad ng dati, ipaglalaban ng pamahalaan ang soberenya at hurisdiksiyon sa ating mga teritoryo.

Nabatid na batay sa report ng Western command na nakabase sa Palawan, naganap ang insidente noong Nobyembre 16.

Bagamat walang nasaktan sa pangyayari, hindi naman natuloy ang resupply mission ng mga barko para sa mga tropa na nasa Ayungin shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *