Pamahalaang Panlungsod nilinaw na walang lockdown sa Puerto Princesa

Walang katotohanan na magkakaroon ng lockdown sa lungsod ng Puerto Princesa simula bukas June 1, 2021.

Ayon kay City Information Officer Richard Ligad, sa ngayon wala pang natatanggap na kumpirmasyon ang City government ng bagong quarantine classification.

Una nang hiniling na ilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ngunit wala pang katiyakan kung pagbibigyan ito ng National –Inter Agency Task Force.Huling araw ngayon ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Puerto Princesa inaantabayanan din ngayong araw kung magbabago ang quarantine classification sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *