Pamamahagi ng 2 mambabatas ng Ivermectin, may lusot sa batas kung pasok ito sa exemptions ng FDA

Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may dalawang paraan lamang sina Deputy Speaker Rodante Marcoleta at Anakalusugan Rep. Mike Defensor para malusutan ang anuman pananagutan sa batas matapos ang kanilang pamamahagi ng Ivermectin para ipagamit sa mga COVID-19 patients.

Sinabi ni Guevarra na ang Ivermectin ay hindi nakarehistro para magamit ng mga tao, at sa katunayan ay ginagamit lamang ito laban sa parasitic disease ng mga hayop.

Pero sinabi ng kalihim na kung pasok man sa exemptions ng Food and Drug Administration ang rason ng pamamahagi ng dalawang mambabatas ng Ivermectin, ay wala naman ito magiging problema.

Anya, kabilang sa mga exemptions na tinukoy ng FDA ay kung covered ang gamot ng compassionate use authorization na inisyu sa iilang ospital, doktor, at iba pang entities lamang.

Dagdag ni Guevarra, dapat ay compounded ang gamot ng licensed pharmacies, at dapat ay suportado ito ng prescription ng doktor.

Ipinunto naman ng kalihim na ipauubaya muna nila sa mga otoridad ang desisyon kung huhuliin ng mga ito ang dalawang mambabatas.

Aaksyunan na lamang anya ito ng DOJ kapag meron nang naghain ng reklamo. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *