Pamilyang nawalan ng bahay noong Pasko, magba-Bagong Taon sa bagong tahanan!

KORONADAL CITY — INAASAHANG sasalubungin ng pamilya Cadellino ng Purok Sto. Niño, Barangay Mabini, Koronadal City ang Bagong Taon sa kanilang bagong tahanan.

Ito’y makaraang winasak ng malaking sanga ng punong mangga ang kanilang bahay noong araw mismo ng Pasko.

Sa ngayon, kasalukuyang ginagawa na ang bagong bahay ng pamilya ni Federico Cadellino matapos bumuhos ang tulong sa kanila sa pamamagitan ng ‘Brigadahan’ ng Brigada News FM Koronadal.

Kabilang sa natanggap ng pamilya ay construction materials para sa ginagawang bahay gaya na lamang ng mga kahoy, plywoods, semento, buhangin at iba pa.

Kabilang sa mga nagpadala ng nabanggit na tulong sina dating municipal councilor Nelson Buendia ng Tantangan at Ayos Hardware sa Barangay Rotonda Koronadal.

Nakatanggap din ng grocery ang pamilya mula sa dating Punong Barangay ng Mabini na si Etik Abunas.

Nakatanggap din ang mga ito ng isang sakong bigas mula kay City Councillor Chow Rodriguez habang sinagot naman ni Vice Mayor Brigada Bing Pabi Araquil ang bayad at pagkain sa tatlong panday at iba pang pangangailangan sa pagpapatayo ng nabanggit na bahay.

Halos wala namang mapagsidlan ng tuwa si Federico sa tulong na natanggap ng pamilya nito lalo na’t may masisilungan na ang mga ito kasabay nang pagsalubong sa Bagong Taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *