SDO Legazpi City, 90% nang handa para sa nalalapit na Palarong Bicol 2024

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Legazpi City Schools Division Office (SDO) na 90% na silang handa para sa nalalapit na Palarong Bicol 2024 katuwang ang lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay SDO Legazpi Sports Coordinator Francis Dexter Sison, sinabi niya na ibig sabihin nito, halos tapos na ang kanilang paghahanda, kung saan nakahanda na rin ang mga billeting schools, playing venues na pipinturahan na lang ngunit halos patapos na rin naman, pati na ang programs at marami pang iba.

Ayon pa kay Sison, coordinated na sila sa mga partner offices and agencies tulad ng Provincial Health Office, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Albay Electric Cooperative, Legazpi Water District at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *